Founded in 1987, the resident theater company of the Cultural Center of the Philippines (CCP), Tanghalang Pilipino (TP) aims to promote Philippine theater that is rooted in centuries-old Filipino culture and history while being responsive to evolving contemporary society.
TP is unique among other theater groups in the Philippines in that it maintains a core of actors whose full-time training in acting is subsidized by the company. Known as the Tanghalang Pilipino Actors Company (AC), promising actors are tapped to perform in TP’s theatre seasons and special productions.
Notably, the actors who have graduated from the Actors Company now comprise the most sought-after stable of talents in television, cinema and commercial advertising.

For Tanghalang Pilipino’s 36th Theater Season, we will engage our audiences in a whole year of storytelling on and off the stage, about the historic past of our country and our people, our present struggles and challenges, and our fervent hopes for the future.
We hope to include in our storytelling the admirable lives of our heroes, with special focus on the heroes from the regions who have unfairly remained unheralded and unknown, especially, among the Filipino youth.
Telling the true stories of our heroes, then and now, is a necessary prerequisite toward developing our genuine identity as a people. We need a sense of history.
We must always remember our glorious past, but we must never forget even the darkest chapters of our history. We have to take our cultural education seriously.
Without a strong cultural base, our character as a people will never become meaningful and relevant. The wounds of our national psyche will never heal.
Without cultural roots and memory, we will never fully develop as great human beings, as Filipinos. We will never find real meaning in being a member of the human and humane society.
So, may we invite all our young people, and all those who love our country to come and watch the stories of our fellow Filipinos in our TP productions.
Isturyahanay kita. Aginistoryaan ta, Mipagkuwento kata. Iristuryahan kita. Kuwentuhan tayo.
36th SEASON LINEUP:
Anak Datu (September – October 2022)
National Artist Abdulmari Ima’s “ANAK DATU” is a story about the son of a village chieftain in the Sulu Archipelago during pre-colonial Philippines. Before he is born, the village is raided by pirates, and his mother gives birth under captivity. Hence, he grows up believing that his father is a former pirate. Only when the old man dies, does the son discover the truth about his real father. This short story gave birth to Rody Vera’s stage adaptation adjacent with other events in the history of Mindanao and the personal lives of Abdulmari Imao’s family.
Tara Peeps Season 2 (On-going online show)
This is the second season of the TP-DZH top-rated children’s educational program that is promoting positive and humanistic Filipino values. The series of episodes will prioritize the telling of stories of lesser-known heroes of Philippine colonial and contemporary history whose roots are from Mindanao, Visayas and other parts of Luzon.
Ang Pag-Uusig (February – March 2023)
The remounting of one of Tanghalang Pilipino’s (TP) most critically acclaimed plays, a Filipino translation by Dr. Jerry Respeto of the Tony award-winning play “The Crucible” by world-renowned playwright Arthur Miller. This play which was first produced by TP in its 31’st season in 2017 tells the story of the hellish effects on the community of the terror of witch hunting.
Nekropolis (April 2023)
“Nekropolis” is a play by Guelan Luarca, Charles Yee, Soc Amon, and the TP Actors Company through a collaborative process called ‘dulambayanihan’.
NEKROPOLIS SYNOPSIS:
In a city where people slumber through the sound of gunshots and screens flicker with one breaking news after another, 10 characters try to survive and make sense of their lives. Amid the chaos, they seek to numb their senses with drugs, with sex, with God. Don’t we know this city to be our own? New York-based Palanca-winning playwright Guelan Varela-Luarca calls “Nekropolis” his last departure from dystopian themes. Catch this masterpiece in the fearless, able hands of director Charles Yee and the Tanghalang Pilipino Actors Company.
SHOWDATES:
April 20, 2023 (Thurs) | 8PM
April 21, 2023 (Fri) | 10AM (sold out)
April 21, 2023 (Fri) | 3PM (sold out)
April 22, 2023 (Sat) | 3PM
April 22, 2023 (Sat) | 8PM
April 23, 2023 (Sun) | 3PM
ARTISTIC TEAM:
Playwright: Guelan Varela-Luarca
Director: Charles Yee
Dramaturg: Dominique La Victoria
Choreographer: JM Cabling
Production Designer: Tata Tuviera
Sound Designer and Engineer: Arvy Dimaculangan
Lighting Designer: D Cortezano
Projection Designer: Joyce Garcia
CAST:
MIGGS Marco Viaña
ALEX 1 Mark Lorenz
ALEX 2 Vince Macapobre
CLAIRE Lhorvie Nuevo
KARINA Mitzi Comia
SIKOLOGO Jonathan Tadioan
INARA Antonette Go-Yadao
IGNATIUS Arjhay Babon
CHARLOTTE Heart Puyong
KAIBIGAN Aggy Mago
LUMEN Sarah Monay
KAESKWELA Edrick Alcontado
KAPITANA Judie Dimayuga
ARTISTIC DIRECTOR NOTES:
Isang Kolektibong Mensahe.
ARTIST 1 (Playwright-Director-Actor): Puwede po bang ‘pag topakin ako, magsulat lang ako dito ng naiisip ko? LOL. Maaring konektado o di-konektado ang mga ito sa play…Sinanay ako ng klasrum, ng textual analysis, ng mundo, na ‘pag nakaharap ako sa isang art work, ang kailangang gawin ay unawain ko ito.
Tahimik ang art work. Ako ang busy, nagsasalita at naghihimay sa kaniya. Pero paano kaya ‘pag baliktad? Paano kung hayaan kong ako ang unawain ng art work?
Paano kung ako ang tahimik? At ang art work ang nagsasalita’t naghihimay sa akin? Sa exchange na ‘yon, hindi ako masiyadong interesado sa sasabihin ng art work tungkol sa ‘kin. Mas interesado ako sa magiging katahimikan ko.
ARTIST 2 (Ako): Ang katahimikan o pagtahimik habang ikaw ay nagiisa ay katapangan at kababaang-loob, lalo pa kung sa katahimikan at pagiisang iyon at maluwag mong matatanggap ang iyong mga kahinaan at kamalian na hindi ka nai-insecure, imbes, kinikilala mo rin ang iyong mga kalakasan at kabutihan ng hindi ka nagyayabang, kundi tumatahimik ka na nga lang, or better yet, pumapayapa ang iyong buong katauhan. Masarap tumahimik.
Sa isang banda, (kokontrahin ko sarili ko), ang katahimikan o pagtahimik habang may natutunghayan kang kasamaan ng tao sa kapwa tao, ay karuwagan at pagkamakasarili. Kaya dapat basagin mo ang katahimikan mo para mabasag ang mukha ng kasamaan (hhmm, violent..)
ARTIST 1(Playwright-Director-Actor): Magandang contrast ‘yan, Tang!
pag ang kaharap mo sining, kagandahan, sarili — magandang manahimik.
pero ‘pag kaharap mo ay karahasan, katiwalian, kasamaan — kailangang mag-ingay.
Sabi sa ‘kin ni Tay JS…, “Hindi naman talaga sining ang magsasalba sa mundo e. Pero, n’ung nasa kilusan kami, nagtatago, at nagkakaubusan na ng pag-asa, at tinotortyur na ang aming mga kasama — ang ginagawa namin, kumakanta kami para mabuhayan uli ng loob.
Hindi sining ang sasalba sa atin. Tayu-tayo ang sasalba sa atin. Pero ‘pag ubos na tayo at nanghihina, sa sining tayo naghahanap ng lakas para magpatuloy.”
‘Yung pag-awit nila, Tang, tingin ko paraan ng katahimikan. Sila tumatahimik, ang nagsasalita ay yung mismong awitin.
ARTIST 2 (Ako): Ganda nito, Artist 1 ! Nakakaiyak…Salamat.
ARTIST 3 (Actor): Paano nga kung yung artwork eh ikaw ang binubuo kesa ikaw ang bumubuo?
ARTIST 1 (Playwright-Director-Actor): Nung nanood ako ng Insiang ng TP, yan eksakto naramdaman ko-ako ang nilikha ng play na yon.
ARTIST 3 (Actor): Taena mo… napaisip ako.
ARTIST 2 (Ako): inaanyayahan po namin kayo na manood ng “NEKROPOLIS”.
nanding, Guelan, Tad.
DIRECTOR’S NOTES
Kapag tinatanong ako kung kumusta talaga dito sa Pilipinas, lalo ng mga kaibigan at naging kaklase sa ibang bansa, hindi ko alam kung paano ito sasagutin. Hindi ko pa mahanap ang tamang mga salita para maipaliwanag ang mga bagay araw-araw ko namang nararanasan. Hindi naman kasi simple ang nangyayari. Hindi naman kasi simple ang buhay – lalo sa panahon ng disimpormasyon at social media – napakahirap hanapin ang totoo.
Ang alam ko lang na totoo ay ang nararamdaman ko.
Bagaman hindi ko siya maipaliwanag nang lubos, alam kong totoo ang nararamdaman ko.
Alam ng katawan ko ang pakiramdam tuwing naglalakad ng gabi sa gitna ng Maynila. Alam ng isip ko ang pakiramdam tuwing pumapasok ang suweldo at agarang nauubos dahil sa mga bayarin. Alam ng utak ko ang kalituhan ng pagbubukas ng facebook, ng twitter, ng Instagram, at kung ano pa mang socmed.
Ang alam ko – hindi ito ang pinapangarap kong bukas.
Hindi ito ang pangrap ko para sa sarili, para sa pamilya, at para sa bayan.
Pero hindi ko rin alam paano, saan, at kalian ko muli mahahayaan ko ang sarili kong mangrap para sa bukas na iyon.
Mula sa mga kakayahang naipagkaloob sa amin bilang mga artista ng teatro, nag-eeksperimento kami sa Nekropolis upang mahanap ang mga paano, saan, at kalian na ito. Humahanap kami ng kakaiba, ng karanasang pamilyar at di-pamilyar, ng mga tagpong malapit at malayo sa ating katotohanan, at kung ano pa mang kabaliwan upang mapagtanto ang di-nalalayong kabaliwan ng ating araw-araw. Unang hakbang pa lang ang eksperimentasyong ito.
Sa pag-eeksperimentong ito, nangangarap siguro kami – at nawa’y kayo ring mga manonood nito, na magkaroon man lang tayo ng puwang sa ligtas na espasyo ng tanghalan. Puwang para hayaan ang sarili na dumamdam, dumanas, at sana’y muling mangarap. Puwang para sabay-sabay na harapin ang mga bagay na nakakalito, nakakapagod, at nakakapamanhid. Puwang para madama ang búhay, lahat ng kaakibat nitong sakit at lahat din ng kaakibat nitong ganda.
Tara, samahan ninyo kami!
PLAYWRIGHT’S NOTES:
Isinulat ko ang iskrip ng “Nekropolis” sa loob ng tatlong kakaibang konteksto. Kumbaga sa isda, pakiramdam ko’y papitlag-pitlag ako sa loob ng lambat:
Una — isa itong produkto ng tinatawag kong “Dulambayanihan,” isang proseso kung saan ang mandudula ay may sessions kasama ang mga aktor at sino pa mang nais sumali (sa Nekro, kasali ang direktor, si Charles, at isang stage manager, si Soc). Sa sessions na ito, daraan sa mga malikhain at mapaglarong aktibidad ang mga aktor, at ako bilang facilitator, ay magtatala sa aking kuwaderno ng lahat ng mga interesanteng bagay, imahen, insight, realizations, atbp. na lilitaw sa proseso. Pagkatapos ng sessions, ako’y magri-retreat at magsusulat ng play na maglalaman ng as many notes mula sa workshop as possible, parang isang masayang checklist! Sa gayon, ang dulang ito ay hindi ko maisusulat nang wala ang ambag ng mga aktor. Nagkahalu-halo na ang sarili kong creativity at ang creativity ng 14 actors, ni Charles, at ni Soc, sa dulang ito. Ako lang ang nagbigay-hugis nito, pero kaming lahat ang pinagmulan.
Ikalawa — isinulat ko ito sa Amerika. Ako kasi’y kasalukuyang kumukuha ng kurso sa Playwriting sa New York. Nagsa-pinakbet na sa utak ko ang iba’t ibang sangkap — ang notes mula sa workshop, ang mga bago kong natutuhan dito sa New York, ang mga dulang napanood ko rito, ang danas ng ibang lungsod, ang malalim at mahayap na pangungulila, ang pagkasulasok sa mga pangyayari sa bayan, ang distansya, ang sugat mula sa katatapos na eleksiyon. Isang araw, sabi ng playwriting teacher ko, “Write your artist’s statement and read it aloud in class. It has to contain your identity and your aspirations as a playwright.” E di sinulat ko. Mabilisan lang. N’ung binasa ko na sa harap ng klase, ang sinulat ko nang mabilisan ay siya palang pinakamasakit kong naisulat sa buong buhay ko. Naiyak ako sa harap ng mga Amerikano. Dahil sinabi ko sa aking statement, “The recent political developments in my country have taught me that…the Pinoy I used to love, to know, and to identify with was just a lie. And that the Pinoy is a people that I did not know all along. So maybe, in an impossible, purely symbolic way, (since I have no delusions that art can save a nation) I can salvage the Pinoy I know from here, in diaspora, and by relying purely on sense-memory, to hopefully reconstruct that Philippines that felt safe, familiar, kind, OR purge this stranger Pinoy that I’ve just gotten to know, that’s blind, backward, spiritually and mentally impoverished, willing to vote a dictator’s son back to power, to put a mass murderer’s daughter into office, and erase all nobility from their national memory through historical denialism…It’s one thing to be a stranger in a foreign land. It’s another to have been a stranger in your land of birth, and finding that out belatedly.”
Ikatlo — ang Nekropolis — nang di ko sinasadya — ay pangatlo’t huli sa isang trilohiya ng mga dystopic, anarchic plays na isinulat ko tungkol sa Pilipinas. Ito na ang huli. Dinedeklara kong ito na ang huli kong play tungkol sa Dystopic Philippines. Dahil nararamdaman kong dumaraan ako sa isang transisyon. Gumagalaw ang tectonic plates sa aking diwa. Ito na ang pamamaalam ko, ang valedictory address sa kung-anoman-itong-pinagdadaanan-kong-pighati-ukol-sa-bayan. Hindi dahil tapos na ang pighati. Hindi. Kundi dahil naaaninagan ko na ang mga unang silay ng bagong disposisyon sa aking isipan. Tila naghahanap na ‘ko ng bagong paraan, bagong teatro, bagong estilo, bagong estetika, bagong wika para kabakahin ang pighating ito. Hindi ko trabaho bilang mandudula ang magbigay-pag-asa sa aking mga manonood. Napakabigat namang responsabilidad ‘yon, ayokong akuhin. Hindi ko trabahong pagandahin ang pakiramdam mo. Trabaho ko lang na maging totoo sa aking nararanasan at magdasal na tumumbas iyon sa mga inaasam ng iyong kaluluwang pagal. At dahil magkatiyap tayo, baka puwede tayong magdamayan at magyakapan. Bukas, marahil naisin kong maging mas maamo, mas maliwanag. Ngayon, ito ang dagim at sigwa ko. Dagim at sigwa nating lahat. Ipagdasal ni’yo, sana makita ko ang liwanag.
‘Wag sanang isipin na ang pag-asa ay nasa katiyakan. Magandang alalahaning may pag-asa ring nakakubli — naghihintay na mahalungkat mo — sa anino, sa dilim, sa kalituhan ng kasalukuyan. Ayoko sa madaling pag-asa. Mas naaakit ako sa pag-asang mahirap — kay hirap, anong hirap, kay sakit! — halukayin.