Ang inyong mga lodi, sasalang na sa matinding sing-kulitan sa pagbabalik ng Videoke Kantawanan show ng mga sikat na “Sing Galing: Sing-lebrity Edition!”
Simula September 27, 48 na Sing-lebrities ang maglalaban-laban para sa kani-kanilang “bidaficiaries” at para tanghaling susunod na Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.
Nagbabalik para maging Sing Masters ng “Sing Galing: Sing-lebrity Edition” ang comedienne-host at ang ating Biritera Beshie na si Donita Nose, kasama ang Ultimate Entertainer na si K Brosas, at veteran singer-host, “Mr. Private Eyes,” Mr. Randy Santiago.
Para naman sa matindihang pilian ng mga magwawaging sikat, magbabalik ang mga minahal nating Jukebosses na huhusga sa mga pa-sing-lab na performances ng ating Sing-lebrities.
Pangungunahan ‘yan ng OPM legend at Sing-nior Hitmaker na si Rey Valera, kasama ang iba pang kilalang icons sa kantahan kabilang ang original Kilabot ng Kolehiyala at Chief Sing-patiko, Ariel Rivera, Diamond Soul Siren Nina, Soul Icon Ella May Saison, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang first-ever Sing Galing grand champion na si Ethel Booba.
Kasama ring nagbabalik ang isa pang kikilatis sa pag-awit ng ating sing-lebrities, ang nag-iisa at walang kaparis na si Genie!
KILALANIN ANG 48 SING-LEBRITIES!
Para sa ikalawang edisyon ng “Sing Galing: Sing-lebrity Edition,” 48 celebrities na galing sa iba’t ibang larangan ang magpapa-sing-kat para sa kani-kanilang “bidaficiaries” at para tanghaling susunod na Ultimate Bida-oke Sing-lebrity.
Kabilang na rito ang mga primera klaseng aktor at aktres tulad nina Romnick Sarmenta, Dominic Ochoa, Nikki Valdez, Meryll Soriano, Carmi Martin, Valerie Concepcion, Bobby Andrews, Jay Manalo, Luis Alandy, at Gio Alvarez.
Muli ring mapapanood ang mga artistang ating na-miss gaya nina Patricia Javier, Rey “PJ” Abellana, CJ Ramos, Leandro Baldemor, at Lloyd Samartino.
OA na kantawanan naman ang ihahatid sa’tin ng mga komedyante at social media personalities tulad nina Arman Salon, Anton Diva, Chad Kinis, Via Antonio, Jeff Tam, Yobab, Divine Tetay, Keanna Reeves, Madam Kilay, at Rufa Mae Quinto.
Sasabak din ang news personalities tulad nina Maoui David, Laila Chikadora, at Gus Abelgas; ang young award-winning actors na sina Cedrick Juan, CJ Navato, at Noel Comia; ang mga showbiz royalty na sina Rikki Mae Davao, Andrew Muhlach, at Ryle Santiago; at ang mga trending young stars na sina Kych Minemoto at Mark Ian Garcia.
Kabilang pa sa mga magpapa-sing-lab sa videoke bilang Sing-lebrities ang former noontime show figures na sina Sexbomb Monic Icban, Sexbomb Mia Pangyarihan, Dawn Chang, Krissha Viaje; beauty queen Almira Teng at ang ating kauna-unahang Miss Grand International, CJ Opiaza; at sexy stars Maui Taylor, Nathalie Hart, Johannes Rissler, at Jay Gonzaga.
Kada laban ng ating mga sing-lebrity ay isa ring chance para makatulong sa kani-kanilang
“Bida-ficiary” o beneficiary. Hindi lamang galing ang kanilang ipapakita sa entablado, kundi pati na rin ang pagiging bida ng kanilang mga puso!
Mas magiging masaya at makulay naman ang bawat episode kasama ang Singtokers na sina Gab Pascual, Queenay, Ari G, Yanyan De Jesus, Muse Jazz, at Niko Badayos. Para sa online viewers, makakasama si Zendee at Niko Badayos na siyang maghahatid ng exclusive content sa Online Digiverse sa Sing Galing: Sing-lebrity Edition Puksaan.
Mapapanood ang second season ng “Sing Galing: Sing-lebrity Edition” tuwing Sabado, 7:00 PM; at Linggo, 8:00 PM simula September 27 at 28 sa TV5, Sari-Sari Channel, Buko Channel, at sa social media accounts ng TV 5 at Sing Galing para sa mga manonood online at sa buong mundo.
Mga Kaawitbahay! Kita-kits sa pagbabalik ng Sing Galing na, Sing Sikat pa!
Sing Galing: Sing-lebrity Edition!
Sing you soon!